^

Metro

Ina, tiyahin binenta nude photos ng anak online

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ina, tiyahin binenta nude photos ng anak online
National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago and NBI Human Trafficking division chief Atty. Olga Angustia-Gonzales present to the media the two arrested suspects for allegedly selling nude photos and live videos of an 11-year-old girl online during a press conference at the NBI headquarters in Quezon City on June 27, 2024
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Human Trafficking Division ang ina at tiyahin ng menor-de-edad na biktima dahil sa pang-aabuso makaraan umano nilang ibenta ang mga hubad na larawan ng biktima sa online, sa Quezon City.

Sa halagang P25,000 kada-transaksyon, nakuhang ibenta online ng mismong nanay ang 11-taong gulang na babaeng anak sa mga foreigner kung saan kasabwat umano mismo ang tiyahin ng bata.

Sa harap ng media, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, nagsimula ang bentahan ng malalaswang larawan noong 5-taong gulang pa lamang ang naturang biktima.

Sinabi ni Atty. Olga Angustia-Gonzales, nakarating ang impormasyon sa NBI sa modus ng nanay at tiyahin ng biktima mula sa timbre ng isang non-governmental organization na may nag-aalok ng sexual video recorded content at live sexual shows sa mga foreigner.

Sa isinagawang entrapment operation ng NBI, napatunayang lehi­timo ang pang-aabuso sa menor-de-edad kapalit ng pera.

Aminado naman ang suspek sa nagawang kasalan dahil sa umano’y kahirapan sa buhay.

Bukod sa patung-patong na reklamo na kahaharapin ng mga suspek, wala rin itong piyansa dahil maituturing na “qua­lified online abuse” ang naturang krimen.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with