^

Metro

Leptospirosis cases sa ‘Pinas nasa 878 na; 84 nasawi – DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Leptospirosis cases sa �Pinas nasa 878 na; 84 nasawi � DOH
Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang kabuuang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ay nasa 878 na.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod na rin ng mga nakalipas na mga pag-ulan at pagbaha.

Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang kabuuang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ay nasa 878 na.

Paliwanag ng DOH, bagama’t ito ay kalahati lamang ng bilang ng 1,769 leptospirosis cases­ na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, naobserbahan naman umano nila ang pagsisimula ng pagtaas ng weekly case count ng sakit dahil sa mga pag-ulan.

Sinabi ng DOH na mula sa anim lamang na naitala noong Mayo 5-18, umabot na sa 60 ang kasong naitala noong Mayo 19 hanggang Hunyo 1. Sinundan ito ng 83 kaso na naobserbahan naman mula Hunyo 2 hanggang 15.

Nabatid na maliban sa Zambonga Peninsula at Northern Mindanao regions, lahat ng rehiyon ay nakapagtala ng pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na buwan.

Umaabot na rin ­umano­ sa 84 na kaso ng pagkamatay dahil sa leptospirosis ang naitala ng DOH hanggang noong Hunyo 15 lamang.

Ayon sa DOH, ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nai­lilipat sa tao ng iba’t ibang hayop, gaya ng daga, sa tao, sa pamamagitan ng kanilang waste products, gaya ng ihi at dumi na nahahalo sa lupa, tubig at vegetation.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with