^

Metro

Babaeng wanted, timbog habang kumukuha ng police clearance

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Babaeng wanted, timbog habang kumukuha ng police clearance
Kaagad namang ina­resto ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lang ni Pasig City Police chief PCol Celerino Sacro Jr. ang naarestong suspek sa alyas na “Tricia”, 44, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nabuking na may kinakaharap palang kasong kriminal ang isang babae nang magtangkang kumuha ng police clearance sa Pasig City Police kamakalawa.

Kaagad namang ina­resto ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lang ni Pasig City Police chief PCol Celerino Sacro Jr. ang naarestong suspek sa alyas na “Tricia”, 44, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:22 ng hapon nang maaresto ang suspek ng joint personnel ng Warrant and Subpoena Section, Clea­rance Section at Station Intelligence Section.

Nauna rito, nagtungo umano sa tanggapan ng pulisya ang suspek at nagtangkang kumuha ng police clearance.

Gayunman, kaagad na siyang inaresto ng mga awtoridad matapos na lumitaw sa kanilang record na siya ay may nakabinbin palang kaso sa hukuman at may standing alias warrant of arrest na inisyu ni Eugenio dela Cruz, presiding judge ng Pasay City Regional Trial Court Branch 117 noong Marso 25, 2019, dahil sa kasong paglabag sa PD 1866 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Nagtakda ang hukuman ng P120,000 piyansa­ para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

vuukle comment

POLICE CLEARANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with