^

Metro

4 pulis, ‘guilty’ sa pagpatay sa mag-ama!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 pulis, �guilty� sa pagpatay sa mag-ama!
Hawak-hawak ni Mary Ann Domingo, ang larawan ng kanyang mag-ama na napaslang sa anti-drugs operation ng mga pulis sa Caloocan City noong 2016 habang patungong Caloocan RTC kahapon. Apat na akusadong pulis ang napatunayan ng korte na guilty sa 2-counts of homicide at hinatulang mabilanggo ng hanggang 10-taon.
Mihchael Varcas

Sa Caloocan drug ops noong 2016

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ng hanggang 10-taong pagkabilanggo ang apat na aktibong pulis matapos na mapatunayang “guilty” sa pagpatay sa isang mag-ama sa kasagsagan ng kanilang anti-illegal drugs operation sa nasabing lungsod noong 2016.

Batay sa desisyon ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121 Judge Ma. Rowena Violago Alejandria, swak sa kasong “homicide” sina Police Master Sergeant Virgilio Cervantes at Police Corporals Arnel de Guzman, Johnston Alacre at Artemio Saguros.

Matatandaang nabaril at napatay ng mga pulis ang mag-amang sina Luis at Gabriel Bonifacio noong Set­yembre 16, 2016 kasabay ng pagpapatupad ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Luis ay 45-anyos habang ang anak na si Gabriel ay 19-anyos nang sila ay mapatay.

“It must be worthy to note that the accused themselves did not deny their presence and participation in the police operation conducted, the same event where the victims Luis and Gabriel (Bonifacio) were killed,” pahayag ni Judge Alejandria.

Pinagbabayad rin ng korte ang mga pulis ng tig-P300,000 bilang danyos sa naiwang pamilya ng mga biktima.

Iginiit ng pamilya Bonifacio na hindi sangkot ang mag-ama sa ilegal na droga at hindi rin nagpaputok ng baril.

Bagama’t “self defense” ang alibi ng mga pulis, ibinasura pa rin ito ng korte at mas kinatigan ang reklamo ng pamilya ng mga biktima.

vuukle comment

CRIME

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with