^

Metro

2 paslit sa Maynila, patay sa rabies!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 paslit sa Maynila, patay sa rabies!
Bunsod nito, mahigpit ang paalala ni Lacuna sa mga residente na huwag balewalain ang kagat o ­kalmot ng aso o pusa, lalo na kung ito ay sa leeg pataas.
Philstar.com / Era Christ Baylon, file

Kalmot ng aso, pusa, ‘wag balewalain

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Manila City Mayor Honey Lacuna na dalawang paslit ang namatay sa rabies sa lungsod matapos na hindi nabigyan ng kinakailangan bakuna.

Bunsod nito, mahigpit ang paalala ni Lacuna sa mga residente na huwag balewalain ang kagat o ­kalmot ng aso o pusa, lalo na kung ito ay sa leeg pataas.

Ayon kay Lacuna, sa sandaling nakagat na ng aso, kailangang kaagad na magtungo sa pinakamalapit na bite centers na available sa Maynila upang mabigyan ng libreng lunas.

“Ang pinaka-importante ay bumalik kayo sa follow-up vaccination sa takdang araw kung kelan kayo pinababalik, lalo na kung nakagat o nakalmot kayo mula leeg pataas. ‘Wag ibalewala ‘pag nakagat kayo ng aso kahit ang inyong alaga ay may bakuna na.  Mas importante na ma-prevent tayo na magkaroon ng rabies dahil once nagkaroon, dire-direcho na,” ani Lacuna.

Anang alkalde, mayroong walong bite centers sa lungsod ng Maynila na nagkakaloob ng free anti-rabies vaccination, bukod pa ito sa Sta. Ana Hospital at sa Ospital ng Maynila.

Ang mga health center sa lungsod na may animal bite center ay ang District 1- Dagupan at Tondo Foreshore Health Centers; District 2- Atang dla Rama Health Center; District 3-San Nicolas Health Center; District 4-Earnshaw Health Center; District 5- Icasiano Health Center, at District 6- Esperanza Health Center.

Maaari rin umanong i-avail ang naturang serbisyo ng libre sa loob mismo ng Manila City Hall.

vuukle comment

HONEY LACUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with