^

Police Metro

Local campaign period simula bukas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

PNP handa na

MANILA, Philippines — Handa na ang Phi­lippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng local campaign period para sa May 2025 midterm elections sa Huwebes (Marso 28) sa buong bansa.

Ito ang tiniyak ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kasabay nang babala sa sinumang magtatangkang manggulo o manakot upang guluhin ang demokratikong proseso.

“Sa mga may ­balak maghasik ng takot, manindak ng botante, o gumamit ng dahas para sa sariling interes—ito na ang huling babala: buong puwersa ng batas ang ipapataw sa inyo. Hindi namin hahayaang masira ang ating demokrasya,” ani Marbil.

Kasabay ng pagsisimula ng kampanya, inatasan ng PNP Chief ang lahat ng regional, provincial, city, at municipal police commanders na pangunahan ang pagpapanatili ng isang mapayapa, malinis, at maayos na halalan.

Sinabi ni  Marbil na dapat na handa ang lahat ng ground commander sa anumang banta, kumilos  ng naaayon sa batas at manatiling patas.

Giit ni Marbil, umaasa siyang magiging maagap sa pag-iwas at pagtugon sa anumang election-related violence ang mga pulis.

Binigyan diin ni Marbil na puspusan na ang seguridad ng PNP sa buong bansa, lalo na sa mga election hotspots at lugar na may matinding tunggalian sa pulitika.

Nanawagan din si Marbil sa mga kandidato at kanilang tagasuporta na sundin ang batas at iwasan ang anumang uri ng karahasan.

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with