Junior Altas swak sa Final Four
MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ng University of Perpetual Help System DALTA ang unang Final Four ticket sa NCAA Season 100 juniors basketball tournament matapos ang 104-69 demolisyon sa San Sebastian College-Recoletos kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Humakot si 6-foot-7 Lebron Jhames Daep ng 20 points, 6 rebounds, 1 assist at 1 steal para sa 7-1 kartada ng Junior Altas.
Nagdagdag si JD Pagulayan ng 15 markers at may 11 points si Jan Roluna para sa tropa ni coach Joph Cleopas.
“We really respect Baste and deep inside sobrang saya, but I’m controlling my emotions. even the players, I remind them, na wala pa eh. Walang nananalo sa semifinals,” ani Cleopas.
Bagsak ang Staglets sa 2-6 baraha.
Gustong maduplika ng Junior Altas ang kanilang runner-up finish sa Season 99 patungo sa pagkopo sa kauna-unahan nilang korona.
Samantala, umiskor si Andrei Ugaddan ng 17 points sa 68-56 pagdaig ng San Beda Red Cubs (5-3) sa Lyceum Junior Pirates (0-8).
Tinuhog ng nagdedepensang Letran Squires (6-2) ang 80-72 panalo sa Arellano Braves (3-5).
- Latest