^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nagpapakalat ng fake news, sampolan

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
EDITORYAL � Nagpapakalat ng fake news, sampolan

AYON sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula Pebrero 15-19, 2025, 59 percent ang nagsabi na nakababahala ang pagkalat ng fake news at itinuturing nilang seryosong problema.

Nang maaresto si dating President Duterte noong Marso 11 at dinala sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crime against humanity, lalong dumami ang nagpakalat ng fake news. Nagmistulang alon ang mga pekeng balita na rumagasa sa social media na naghatid ng pangamba sa mga tao. Hindi mapigilan ang pagdagsa ng fake news na pawang may kaugnayan sa pagkakaaresto ng dating Presidente.

Kabilang sa mga kumalat na fake news ay magkakaroon daw ng shortage sa pagkain, gamot, tubig at iba pa kaya kailangang mag-istak ng mga ito. Magkakaroon daw ng panic buying. Magkakaroon daw ng brownout kaya ihanda na ang generator at power bank. Sabi pa ng vlogger, lulusubin daw ang mga supermarket at pati banko kaya i-withdraw na ang lahat ng pera.

Kumalat din sa social media na nagkaroon ng mass resignation sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pagpapakita ng suporta kay dating President Duterte. Mabilis naman itong pinabulaanan ng AFP at sinabing walang katotohanan ang balita. Fake news umano ito at hindi dapat paniwalaan.

Ngayong papalapit na ang May elections, inaasahan na lalong darami ang magpapakalat ng fake news kahit na nagsagawa ng inquiry ang House Tri-Committee at kinumpronta ang ilang vloggers na nagpapakalat ng fake news.

Sa inquiry na ginawa noong Biyernes, masasakit na salita ang binitawan ng mga mambabatas sa vloggers na nagpakalat ng fake news at iba pang pamimintang idinaan sa social media. Umamin ang ilang vloggers at nag-sorry sa kanilang ginawang pagpapakalat ng ­maling inpormasyon. May isang vlogger na umiyak makaraang harap-harapang pagsalitaan ng mga mambabatas.

Nagsorry ang vloggers na sina Krizette Laureta Chu, editor ng pahayagan; Mary Jane Quiambao Reyes at Mark Lopez kay Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante. Inamin nila na “misleading at unverified” ang kanilang pinost sa social media.

Inamin ni Chu, na ang kanyang mga pinost ay galing lamang sa news reports at wala itong pinanghahawakang mga dokumento para suportahan ito. Umiyak si Chu makaraang pangaralan ni Abante. Ilan sa mga kongresista ang nakatikim din ng panlalait sa vloggers at may sinabihang “demonyo”.

Sa pagkumpronta sa vloggers, sana may magbago at maghinay-hinay sa pagpapakalat ng fake news. Pero mukhang patuloy pa rin ang marami sa pagpapakalat ng false information. Dapat may masampolan na sa mga ito.

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with