^

PSN Showbiz

Jillian, open ulit kay Michael

Pilipino Star Ngayon
Jillian, open ulit kay Michael
Michael Sager at Jillian Ward

MANILA, Philippines — “Ending the show on a high note’’ kung maitutu­ring ang pagtatapos ng My Ilonggo Girl ni Jillian Ward.  Mula pilot ay consistent ang seryeng ito ni Jillian – mataas ang ratings at laging pinag-uusapan online. Patok sa viewers ang tambalan ni Jillian at kapwa Sparkle artist na si Michael Sager. Talaga namang gabi-gabi silang nagpapakilig sa mga fans nila!

After My Ilonggo Girl, may chance pa kaya ang dalawa for a reunion project? Ito kasi ang sigaw ng MicJill fans na nag hirit at book 2 ng My Ilonggo Girl, ha!

Kung si Jillian ang tatanungin, why not? Tila naging close talaga sila ng on-screen partner n’ya.

“Gusto ko rin siya maka-work ulit. Kasi naging very good friends talaga kami ni Michael,” say ni Jillian sa isang panayam.

Pero sa mga MicJill fans, chill muna kayo d’yan. Isa kasi si Michael sa mga Sparkle artists na pumasok sa bahay ni Kuya.

“Michael, pagbalik mo, tanggap ka pa rin naman namin kahit matagal kang mawawala,” pabirong sabi ni Jillian sa kanyang co-star. “I wish you all the best and enjoy lang kayo d’yan,” say pa nito.

Ngayong Huwebes magtatapos ang My Ilonggo Girl na papalitan ng Slay simula March 24.

JILLIAN WARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->