^

Metro

3 Pinoy pinagtrabaho sa scam hub sa Cambodia balik Pinas na - NBI

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy pinagtrabaho sa scam hub sa Cambodia balik Pinas na - NBI
National Bureau of Investigation.
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Nasa bansa na ang tatlong Pilipino na tumakas mula sa isang scam hub sa Cambodia kung saan sila ay ikinulong at tinortyur, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Marso 17.

Sinabi ni NBI Director Judge Jaime Santiago na dumating sa Pilipinas nitong Linggo, Marso 16, ang tatlong Pilipino, na hindi na tinukoy ang pagkakilanlan, na sinundo ng mga opisyal sa  Cambodia.

“Naging successful po at naiuwi natin ‘yung tatlo nating kababayan, ani Santiago sa press conference.

Iniharap ni Santiago sa media ang mga biktima ng human ­trafficking sa pamamagitan ng pagre-recruit at iligal ang pag-alis sa Pilipinas.

Ang mga biktima ay isinakay ng eroplano patungo sa Dipolog City kung saan lumipat sila ng sakay sa ferry patungo sa Basilan, at sa Tawi-Tawi naman kung saan sila isinakay sa maliit na bangka, bago pinalipat sa fishing boat patungong Sabah, Malaysia, hanggang sa dinala sa scam hub sa Cambodia.

“Nagulat na lang po ang mga biktima po natin na instead na mag-work sila as customer service representatives sinabihan po sila na hindi sila pwede lumabas ng compound at ang trabaho nila ay mang-scam ng foreigners aged 55, pataas,” kwento ni NBI Executive Assistant for Special Concerns Yentl Malicad.

Nagpasiya ang mga biktima nang makatanggap lamang ng sahod na $300 taliwas sa pangako na $1,000.

“Nalaman ng mga Chinese bosses nila ‘yung plano nila na lumipat sa ibang company. Nilabas po sila in the middle of the night. Isa po sa kanila hindi pinakain, hindi pinainom at ikinulong. At ‘yung da­lawa po binugbog ng 15 na Chinese ­individuals, ani Malicad.

Ani Santiago, may natitira pang 40 Pinoy ang iniipit sa scam hub sa sapilitang pagpapatrabaho bilang scammers.

Samantala, tiniyak ni Santiago na mas malalim na imbestigasyon ang kanilang isinasagawa laban sa mga nasa likod ng human trafficking na ito.

Makikipag-ugnayan aniya ang NBI sa mga awtoridad ng Cambodian at sa International Criminal Police Organization (Interpol), na maaaring magsagawa ng raid sa compound sa Cambodia kung saan dinala ang mga biktima.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->