^

PSN Palaro

Pusong palaban ipinakita ng Flying Titans

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pusong palaban ipinakita ng Flying Titans
Mula sa mapanganib na 0-2 pagkakabaon ay bumangon ang Flying Titans para talunin ang High Speed Hitters, 20-25, 19-25, 25-15, 25-20, 18-16, at agawin ang 1-0 lead sa kanilang best-of-three showdown.
PVL image

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Choco Mucho ang matibay na determinasyon at pusong palaban nang resbakan ang PLDT via five-set win sa Game One ng kanilang 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference quarterfinals series noong Sabado.

Mula sa mapanganib na 0-2 pagkakabaon ay bumangon ang Flying Titans para talunin ang High Speed Hitters, 20-25, 19-25, 25-15, 25-20, 18-16, at agawin ang 1-0 lead sa kanilang best-of-three showdown.

Inilapit ng tropa ni coach Dante Alinsunurin ang kanilang sarili sa sweep papasok sa semifinals.

Bukod kay Sisi Rondina na humataw ng 31 points bukod sa 15 excellent digs at 12 receptions ay humugot din ang Choco Mucho kay setter Mars Alba ng 16 excellent sets.

“Ang pinanghahawa­kan lang namin, nandito na kami. Parang huwag na natin bitawan kasi sayang lang lahat nu’ng pinaghirapan sa prelims kung dito lang bibitaw,” sabi ng 25-anyos na si Alba.

Nagdagdag si ‘magic bunot’ Royse Tubino ng 20 markers na ang karamihan ay hinataw niya sa third set para makadikit sa PLDT.

Nasayang ang 25 points ni Fil-Canadian Savi Davison para sa High Speed Hitters na kinuha ang 5-3 abante sa fifth frame bago naiwanan ng Flying Titans sa 10-13.

Naitabla ni Davison, ang top scorer ng torneo, ang PLDT sa 14-14 hanggang hatawin ni Rondina ang winning hit para sa Choco Mucho.

“Lumabas din talaga ‘yung kagustuhan ng lahat na manalo, ‘yung teamwork, saka ‘yung tiwala sa mga coaches and sa mga teammates ko,” ani Rondina.

Pipilitin ng Flying Titans na kumpletuhin ang two-game sweep sa High Speed Hitters sa kanilang pagtatagpo sa Game Two sa Huwebes.

“May mga kailangan pa kaming ayusin kasi talagang nu’ng first and second set, struggle kami sa floor defense namin. Buti na lang nu’ng third set na-challenge ko sila,” ani Alinsunurin.

PVL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with