Welder timbog sa may P3.4 milyong shabu
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang 57-anyos na welder na kasama sa listahan ng mga high value target (HVT) ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Cuenca, Batangas.
Sa ulat ng pulisya, hapon ng Marso 14 nang magkasa ng drug bust ang mga puwersa ng Batangas Police Provincial Drug Enforcement Unit, Cuenca Police, Provincial Drug Enforcement Group 4A Special Operations Unit 4A at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A laban sa suspek na si alyas “Tatay”, isang welder at residente ng Cuenca, Batangas.
Narekober sa suspek ang may 500 gramo ng shabu na aabot sa P3.4 milyon.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay ilang araw rin nilang isinailalim sa surveillance operation bago ikinasa ang buy-bust laban dito.
Nakumpiska rin ang P300, mobile phone na gamit nito sa transaction, buy-bust money at mga drug paraphernalia.
- Latest