^

Bansa

Duterte tatakbong Presidente sa 2028

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaplano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong muli bilang Pangulo sa 2028 national elections kung matatanggal umano sa puwesto ang anak na si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment.

Ayon kay dating House speaker at Davao del Norte First District Pantaleon Alvarez, kuwalipikadong kumandidatong muli ang dating punong ehekutibo.

Sinabi ni Alvarez na hindi saklaw ng constitutional ban si Digong dahil hindi ito reelectionist at nagpahinga ng ilang taon matapos ang anim na taong termino ng magwagi noong 2016 presidential elections.

Alinsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas, bawal kumandidato ang isang Pangulo kung katatapos lamang ng termino nito pero sa kaso aniya ni Digong ay kuwalipikado itong sumabak muli sa 2028 national polls.

Naniniwala si Alvarez na marami pa rin ang supporter ng dating Pangulo at malakas ang magiging laban nito sa kaniyang magiging mga katunggali sa presidential race sa 2028 national elections.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa solon ay nakasubaybay ang ­dating punong ehekutibo sa maaring kahantungan ng inihaing impeachment laban sa anak na si VP Sara.

Una nang sinabi ni Digong sa pagharap nito sa imbestigasyon ng Quad Comm na nakahanda siyang maging abogado ng kaniyang anak sa mga alegasyon laban dito kabilang na ang umano’y irregularidad sa paggasta ng P612.5 ­bilyong confidential fund sa tanggapan ng Office of the Vice President at DepEd sa panahon ng kaniyang panunungkulan.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->