^

Probinsiya

Kandidato sa pagka-kongresista sa Laguna inaresto!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Kandidato sa pagka-kongresista sa Laguna inaresto!
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang negosyante na kandidato sa pagka-kongresista sa Calamba City, Laguna sa 2025 midterm elections ang dinampot sa harap mismo ng Municipal Hall of Justice kung saan siya dumadalo ng Court hearing sa nasabing lungsod nitong Lunes ng umaga.

Ang 37-anyos na si Eugiene Salom alyas “Gino” na kilala ng kanyang mga tagasuporta sa bansag na “Batang Calamba” ay hindi nanlaban sa pag-aresto matapos siyang dumalo sa pagdinig para sa iba pang kaso sa Municipal Trial Court, Branch 3, sa Barangay Real, Calamba City dakong 9:30 ng umaga, ayon kay Lt. Col. Victor Sobrepeña, hepe ng Calamba Police Station.

Ang pag-aresto kay Salom ay ginawa ng awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Krisandra Ann Del Mundo Malalauan, acting presi­ding judge ng MTC, Branch 3, Fourth Judicial Region, Calamba City na may petsang Enero 30, 2025, dahil sa kasong paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o Bouncing Checks Law.

Nabatid sa pulisya na nakalista si Salom bilang Number 8 City Level Most Wanted Person na may piyansang inirekomendang P120,000.

Sinabi ni Sobrepeña kahapon na nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado at sumasailalim sa booking procedure. Gayunpaman, agad ring nagpiyansa si Salom para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa isang panayam sa telepono, iginiit ni Salom na ang pag-aresto sa kanya ay bahagi ng maruming pulitika.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with