^

PSN Showbiz

Darryl Yap, nagkalat ng Fake News?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Darryl Yap, nagkalat ng Fake News?!
Darryl Yap
STAR/File

Ipinost ng direktor ng pelikulang The Ra­pists of Pepsi Paloma na si Darryl Yap sa kanyang Facebook account na ipapa-review na raw niya ang naturang pelikula sa MTRCB.

Nagpasalamat muna siya sa mga nagpahayag daw ng kanilang suporta at sa mga nanalangin para sa pelikulang ito.

Bahagi ng kanyang FB post, “Next step naman po namin ay magpa-review sa MTRCB, susunod po tayo sa mga pamantayan kahit gaano ito kabusisi. Maghintay lamang po tayo.”

Inilabas na rin ni direk Darryl Yap kahapon sa kanyang FB account ang sulat na ipinadala sa kanya ng MTRCB.

Naka-address ang sulat kay Mr. Jose R. Olinares Jr., ang president ng Pinoyflix Films and Entertainment Production.

Nilinaw roon na kailangang makumpleto muna niya ang mga nararapat na requirements bago siya magpa-review ng isang pelikula.

Ito ay SOP sa lahat na nagsa-submit ng isang pelikula para ipa-review sa naturang ahensya.

Halos ito rin ang nakapaloob sa statement na inilabas ng MTRCB kahapon. Pero itinatanggi nila ang ipinost ni direk Darryl na ipapa-review na raw nila ito sa MTRCB dahil hindi naman daw ito isinumite pa sa kanilang tanggapan.

Nagpa-interview ang legal counsel ni Vic Sotto na si Atty. Enrique ‘Buko’ dela Cruz sa ilang programa sa radyo at telebisyon, at ipinaliwanag niyang partial pa ang pag-grant ng korte ng Writ of Habeas Data, dahil ‘yung teaser pa lang ang lumabas.

Ipinatanggal ang teaser na kung saan malinaw raw na may paglabag sa right of privacy ng kanyang kliyente, si Vic Sotto.

Pagdating sa pelikula, wala pang inilabas na resolution ang korte dahil hindi pa naman daw ito napanood.

Ayon kay Atty. Buko, ayaw na raw munang isipin ni Bossing Vic kung sino ang taong nasa likod nito. Hindi raw niya iniisip kung politically motivated ba ito. At ang sinabi naman daw ni direk Darryl na siya lang ang producer nito.

Gladys, tinarayan si Vina!

Talagang napasaya ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ang mga kaibigang movie press nang mag-treat sila ng lunch sa kanilang That’s Diner sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Ang sarap naman kasi ng mga specialty ng That’s Diner na personal na inihanda ni Christopher na si Chef Chris.

Meron silang Bulalo, Bulalo Kare-Kare, Daing na Bangus, Flaming Chicken, pati ang fried lumpia nila at Dinakdakan.

Nakakatuwa ang partnership nilang mag-asawa, dahil si Christopher ang in-charge sa kanilang menu, si Gladys naman sa marketing.

Doon na rin sa That’s Diner ay masa­yang ikinuwento ni Gladys ang sisimulan niyang drama series sa GMA 7 ang Cruz vs. Cruz na malapit na nilang simulan.

“First time ko naman to work with Vina Morales sa isang serye. So abangan n’yo dahil teleserye ito, kaabang-abang ang mga kumbaga intense na eksena with Ate Vina.

“Ayokong sabihin kung ako ba ‘yung sasampalin o siya. Uy ‘di ba?

“Isa pa ‘yun sa excited ako, kasi I think isa ito sa magiging memorable talaga sa akin kasi ima­gine title role kami ni Ate Vina. So, Cruz vs. Cruz, ‘di ba?” bulalas ni Gladys.

Hindi muna niya maidetalye kung tungkol saan itong gagawin nila sa GMA 7, pero masaya si Gladys dahil kakaiba raw ito sa mga nauna na niyang ginawa.

“Secret muna, kasi ‘di ba sanay na sanay sila na salbahe ako. E tingnan natin kung ano bang nasa isip ng GMA.

“Ang masasabi ko lang, ang yabang ko dito sa Cruz vs. Cruz kasi ako ang pinakasalan,” talagang nakataas ang kilay ni Gladys habang sinasabi niya ito.

DARRYL YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with