^

Bansa

Pinas nalusutan ng P6.4 bilyong drug smuggling mula China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pinas nalusutan ng P6.4 bilyong drug smuggling mula China
Ito ang inamin ni da­ting BOC Commissioner Nicanor Faeldon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Committee hinggil sa drug smuggling sa bansa sa ilalim ng nakalipas na administrasyon ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nalusutan ang Pilipinas ng P6.4 bilyong ­halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifter at dumaan sa Manila International Container Port ng Bureau of Customs (BOC) noong 2017.

Ito ang inamin ni da­ting BOC Commissioner Nicanor Faeldon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Committee hinggil sa drug smuggling sa bansa sa ilalim ng nakalipas na administrasyon ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa masusing pagkuwestiyon ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ay inamin ni Faeldon na nagawang malusutan ng mga drug smugglers ang mga tauhan ng BOC.

Bagaman noong una ay tumanggi si Faeldon na may pagkakamali siya ay napaamin ito sa mga pagkuwestiyon ng lady solon.

Bago ang operasyon, sinabi ni Faeldon na nakatanggap sila ng impormasyon sa posibleng shipment ng bulto ng shabu galing sa China kung saan ay nagawa nilang makuha ang tracking number na MCLU 600 1881 at dito’y nakumpiska ang naturang drug shipment.

“I think ‘yung sinasabing nalusutan, yes, I take the responsibility. But if you read the Customs Modernization and Tariff Act, there is a clear delineation of the tasks,“ na iginiit na trabaho ito ng Customs Collector na siyang may awtorisasyon na magpalabas ng shipment.

Ipinunto naman ni ­Luistro na ang mga drug smugglers ay nagawang makalusot sa BOC sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon kaya may pananagutan ito sa batas lalo na at nabigong mahuli ang mga importer.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with