Pokwang, ayaw tumigil sa pagiging bitter?!
Pinag-usapan ang actress-comedienne na si Pokwang dahil sa pagsagot nito sa mga nagkokomento sa pinost ng ex niyang si Lee O’Brian sa birthday ng anak nilang si Malia.
Halu-halo ang reaksyon sa mga ginawang pagkomento ni Pokwang sa video na pinost ng ex niya bilang pagbati sa anak na si Malia sa birthday nito na may caption na “Happy birthday to my dear angel, @malia_obrian !! I love you, miss you and am wishing you the best in life, sweetheart!!”
Pero galit na galit pa rin ang komedyante at inisa-isa pa ang pagsagot sa mga komento ng mga netizen sa post nito.
Ilan sa mga tagahanga ng TikToClock host ay sinumbatan si Lee na kung talagang mahal nito ang anak ay sustentuhan niya ito.
Ang iba nga ay tingin nila ay pang-content lamang iyon na sinang-ayunan ni Pokwang na “for the clout” lamang daw.
Pero marami rin ang nam-bash kay Pokwang na kung noon daw ay naaawa sila ngayon ay nauumay na raw sila.
Sana raw tumigil na ito sa pagiging bitter para sa anak nila. Kahit ano pa raw ang ginawa ng ex niya ay isantabi na lamang at ibigay sa daughter niya na birthday pa naman.
Sa ayaw at sa gusto nga raw niya ay kailangan pa rin ni Malia ang pagmamahal ng tatay niya.
Na totoo naman dahil kung hindi raw dahil sa ex niya ay wala naman siyang Malia ngayon. Hindi niya naman ‘yun magagawa nang mag-isa.
Mukhang wala na rin naman daw pake ang ex ni Pokwang sa kanya at para lang daw talaga sa anak ang ginawa. Hindi naman daw kay Pokwang umiikot ang mundo nito.
Aliw naman ang komento ng netizen na itodo lang daw ni Pokwang ang pagbuga na parang dragon hanggang mapatid ang mga ugat niya. ‘Kaloka.
Well, kung wish nilang magka-lovelife ito para tumigil na siya dahil mukhang forever daw itong magpapaka-bitter, wish ko rin na tumigil na siya dahil hindi maganda sa image ng isang babae ang bitter siya sa ex.
- Latest