^

PSN Palaro

Solo 2nd dale ng Fiberxers

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Solo 2nd dale ng Fiberxers
Umasinta ng tira si Jordan Heading ng Converge laban kay Jaydee Tungcab ng Blackwater.
PBA

MANILA, Philippines —  Nasikwat ng Converge ang solo No. 2 seed at namuro sa twice-to-beat matapos kaldagin ang Blackwater, 127-109, sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Limang players ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 22 puntos, 3 rebounds at 5 assists ni Jordan Heading para akayin ang FiberXers sa 8-3 kartada.

Dahil dito ay nakakalas ang Converge sa pitpitang tabla sa tersera puwesto kasama ang NorthPort, Meralco at Eastern na may 7-3 kartada habang nakalapit sa No. 1 seed na Talk ‘N Text na may 6-2 baraha.

Tanging ang Top 2 teams lang ang makakakuha ng win-once bonus sa quarterfinals, kung saan sigurado na ang puwesto ng Converge noong nakaraang laro pa dahil sa magic number na 7 wins.

Sumuporta kay Hea­ding ang import na si Cheick Diallo na may 20 puntos at 18 rebounds habang 20 rin ang ambag ni No. 1 pick Justine Baltazar sahog pa ang 10 rebounds, 2 assists, 3 steals at 2 tapal para sa kanyang breakout game matapos mag-debut lang nitong conference.

Nag-ambag pa ng 19 puntos si Alec Stockton, may tig-10 puntos sina Schonny Winston at JL Delos Santos.

Itutuon ng Converge ang atensyon nito ngayon sa huling laban kontra sa San Miguel Beer upang malaman ang kapalaran kung sa twice-to-beat ba o sa best-of-three series sasalang sa quarterfinals.

Rumatsada agad sa 33-26 ang FiberXers at lumamang ng hanggang 20 puntos tungo sa kumbinsidong tagumpay.

Nauwi sa wala ang 34 puntos at 13 rebounds ni import George King para sa Bos­sing na nalaglag sa 2-8 baraha.

CONVERGE

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with