Williams, TNT hindi pa nag-uusap
MANILA, Philippines — Wala pang nagaganap na usapan sa pagitan nina Mikey Williams at Talk ’N Text Tropang Giga sa mga posibilidad na muli nitong paglalaro sa PBA.
Ito ang kinumpirma ni Tropang Giga head coach Chot Reyes kung saan wala pa itong komunikasyon kay WIlliams.
Nilinaw ni Reyes na bukas ito sa pakikipag-usap kay Williams.
“I’m just one message or one call away,” ani Reyes.
Nanood si Williams sa laban ng TNT at Barangay Ginebra noong Biyernes sa Philsports Arena sa Pasig City.
Naipanalo ng Tropang Giga ang laban sa iskor na 91-86 para umangat sa 6-2 rekord.
Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Williams at Tropang Giga.
Matapos ang matikas na ratsada ni Williams kasama ang Tropang Giga sa 2023 PBA Govenors’ Cup, hindi na bumalik pa sa Pilipinas ang Filipino-American cager.
Dahil dito, tinapos ng Tropang Giga ang kontrata ni Williams.
Subalit nananatiling hawak ng TNT ang karapatan nito kay WIlliams.
“I always want to be with TNT. I definitely miss my teammates,” ani Williams.
Nasa bansa si Williams kasama ang Strong Group Athletics na naghahanda para sa 2025 Dubai International Basketball Championship na idaraos sa huling bahagi ng buwan sa United Arab Emirates.
- Latest