Tolentino sa DOH: Info campaign sa HMPV palakasin
MANILA, Philippines — Hiniling ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino sa Department of Health (DOH) na gawin ang lahat ng kinakailangan upang ma-update ang publiko ukol sa Human Metapneumovirus o HMPV sa gitna ng lumalaking pangamba tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat.
Sa panayam sa radio show na “SOS” sa DZRH na co-host si Tolentino, tinawag ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo bilang “fake news” ang mga post sa social media tungkol sa umano’y paglaganap ng HMPV sa China.
Ngunit sinabi ni Tolentino na habang walang klarong pahayag ang World Health Organization (WHO) upang malinawan ang ulat na paglaganap ng HMPV, makabubuting kumilos ang DOH sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kampanya sa pampublikong impormasyon.
Dapat din aniyang gumawa ng mga hakbang sa pag-iingat laban sa anumang posibleng outbreak sa bansa.
Sinabi ni Tolentino na ang DOH ay dapat palaging nauuna sa mga usaping may kinalaman sa kalusugan ng publiko upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon, na kung minsan ay kasing delikado ng paglaganap ng sakit mismo.
- Latest