^

Bansa

Patay sa road traffic accidents ngayong holidays, 6 na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Patay sa road traffic accidents ngayong holidays, 6 na!
Light traffic was observed along EDSA Guadalupe in Makati on December 25, 2024 during the Christmas festivities.
Ryan Baldemor / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot na sa anim ang bilang ng mga indibidwal na nasawi dahil sa road traffic accidents ngayong holidays.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula sa lima na naitala hanggang kamakalawa, Disyembre 30, 2024, ay nadagdagan ito ng isa pa hanggang kahapon.

“Isa na naman ang patay matapos masangkot sa motorcycle accident nang walang helmet,” anang DOH.

Halos lahat sa kabuuang bilang ng namatay sa aksidente ay walang suot na safety gears tulad ng helmet at seatbelt.

Sa anim na nasawi, apat ang binawian ng buhay dahil sa motorcycle accident.

Samantala, iniulat din ng DOH na nakapagtala pa sila ng 39 bagong kaso ng aksidente sa kalsada sa nakalipas lamang na magdamag.

Dahil dito, umaabot na sa 496 ang total ­cases ng mga aksidente sa kalsada simula Dis­yembre 22 hanggang 6:00AM ng Disyembre 31, 2024 lamang.

Mas mataas ito ng 33% kumpara sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Sa kabuuang bilang ng road accidents, 356 ang kinasangkutan ng mga motorsiklo at 83 sa naaksidente ay nakainom ng alak, 427 ang hindi gumamit ng safety accessories.

Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na palagiang magsuot ng helmet at seatbelt kung sasakay ng motorsiklo o anumang uri ng behikulo.

Kung nakainom naman ng alak, dapat na iwasan ang pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.

Dapat ding sundin ng mga drivers ang speed limits at road signs, at tiyaking may sapat na tulog bago magmaneho.

Sakaling magkaroon ng emergency sa kalsada, tumawag sa 911 emergency hotline o 1555 DOH emergency hotline.

ACCIDENT

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with