^

Pang Movies

Vice, nangabog din sa drama

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Vice, nangabog din sa drama
Vice Ganda

Dalawang pelikula ang magkasunod na­ming pinanood last Sunday, December 29 sa Ayala Mall – Feliz with my family, ang “And the Winner is…..” na pinagbibidahan ni Vice Ganda na sinulat at dinirek  ng award-winning director na si  Jun Lana under Star Cinema and The IdeaFirst Company at ang “Espantaho” na pinangunahan ni Judy Ann Santos with Lorna Tolentino and Chanda Romero at dinirek ng premyadong veteran director na si Chito Roño. Wala kaming itulak-kabiginsa dalawang pelikula na parehong maganda ang pagkakagawamaging ang acting na ipinakita.

?Ang “And The Winner Is….” Is actually Vice Ganda’s best movie so far na pinagsama ang comedy at drama na may puso.  Katunayan, isa kami sa napaluha ng “It’s Showtime” star host na marami ang nakaka-relate. Marami sa atin ang breadwinner sa sarili nating mga pamilya sa iba’t ibang pamamaraan.

?Sa case ni Bambi, ang character na ginampanan ni Vice Ganda, he/she would do everything bilang OFW for his family only for him to find out na niloko pala siya ng kanyang mga kapatid dahil ang ipinapadala pala  niyang pera sa mga ito para mapaayos ang kanilang lumang bahay ay napunta lang pala sa wala.

?Bukod kay Vice, magagaling lahat ng supporting cast ng movie na kinabibilangan nina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal, Kokoy de Santos, Malou de Guzman, Anthony Jennings, MC Mhua at Lassy Marquez.

?Mahirap paghaluin ang comedy at drama pero ito’y mahusay na naitawid ni Vice in his best acting piece ever.

?Hindi man niya nakuha ang Best Actor or Best Actress Award, he was given Special Jury Prize for his excellent performance.

Juday, walang duda ang pagka-Best Actress

?Hindi  kukuwentyunin ang pagiging Best Actress ni Judy Ann Santos sa “Espantaho” na napakusay din ang pagkakaganapsa nasabing horror-drama movie na pinamahalaan ng award-winning veteran director na si Chito Roño. Ang pelikula ay binubuo rin ng isang powerhouse cast na kinabibilangan nina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Eugene Domingo (na kasamarin sa pelikulang “And the Breadwinner is….”ni Vice Ganda), Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado, Tommy Abuel, Nico Antonio, Donna Cariaga, ang child actor na si Kian Co, Archie Adamos at iba pa.

?Parehong puno ang sinehan na pinagpalabasan ng “And The Breadwinner Is….” At “Espantaho” na parehong pasok saTop 4 among the ten official entries ng 50th Metro Manila Film Festival.

?Other movies na napanood na namin include “The Kingdom,” “My Future You” and “Green Bones” kaya may lima pa kaming bubunuin bago matapos ang MMFF on January 7, 2025 with an extension sa malalakas na pelikula sa box office.

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with