Jennylyn, nilihim ang pagpirma ng bagong kontrata sa GMA!
Sandali naming nakatsikahan si Jennylyn Mercado sa premiere night ng Green Bones, at sa gitna ng pag-iyak at mugto ang mata, masaya niyang tsinikang nag-renew na siya sa GMA 7. “Oo naman! Napirmahan ko na ‘yung kontrata. Siyempre, Kapuso pa rin naman ako,” bulalas ni Jennylyn.
Napag-usapan na raw ang gagawin niya sa 2025, pero gusto rin niyang mag-produce under sa production house nila ni Dennis Trillo. “Next year may gagawin pong soap, pelikula at may lalabas din po na album, under GMA pa rin siyempre,” napangiting pakli ni Jennylyn.
Nagsimula na ring umarangkada ang kanilang Brightburn Entertainment, at ang first production nila ay itong co-production nila sa Metro Manila Film Festival entry nilang Green Bones.
“Ito ‘yung first co-prod ng kumpanya at napakasuwerte namin na tinanggap kami ng GMA Pictures, ni Miss Nessa, Miss Annette Gozon dahil napaka-special talaga ng project na ‘to. Talagang lahat pinaniniwalaan namin na feeling namin, maganda ‘yung potential,” saad naman ni Dennis Trillo.
Samantala, proud na proud si Jennylyn sa performance ng asawa niya sa Green Bones. “Wala akong masabi sa pelikula na ‘to. Grabe! Ang galing ni Dennis. Ang galing din ni Ruru. Ang galing ng lahat. Bakit hindi n’yo ako ginawang extra dito?
“Binigay niya lahat e. Magaling talaga sila e,” sabi niya kay Alessandra de Rossi na kasama niya paglabas ng cinema.
Tinamaan daw niya sa mensahe ng pelikula tungkol sa second chance.
“Realization na lahat ng bagay may second chance. Lahat tayo may second chance, may kabutihan sa puso. Tapusin na ‘yung mga giyera sa loob ng ating mga puso, kalimutan ang lahat na mga problema, maiksi ‘yung buhay, magmahalan tayo,” saad ng Kapuso singer/actress.
Dumalo rin doon sa premiere night sina Stell at Pablo ng SB19 na siyang kumanta ng theme song nitong Nyebe.
Bumagay ang kanta sa pelikula at parang nilalamukos ang puso mo lalo na sa ending.
“We’re very happy po na finally, nagkaroon po ng highlights ‘yung Niyebe. Very blessed po na napunta po siya dito at nakakatuwa po kung saan po siya nagamit. We’re very happy and blessed po. Thank you,” saad ni Stell.
Ang ganda rin ng sinabi niya sa mensaheng gustong ihatid ng pelikula.
“Lahat ng tao my second chance, and dapat ibigay po natin sa tao ‘yun. Kasi, kahit ang normal na tao nagkakamali talaga and binibigyan tayo ng pagkakataon. So, sino po tayo na pagbawalan ang iba na magkakaroon ng pangalawang pagkakataon. So, dapat lahat po tayo… bigyan po natin ng second chance ‘yung mga tao na willing to change and handa rin sila magbago para sa ikabubuti ng mga tao,” sabi pa ni Stell.
Vic, walang pinagsisihan
Hindi lang pala ako ang nagulat sa kakaibang Vic Sotto na napanood ko sa The Kingdom, kundi marami ring nakapanood sa premiere night na talagang nabigla, nanibago sa karakter na ginampanan ni Bossing Vic.
Kaya hiningan namin siya ng reaksyon sa pakiramdam namin sa ginawa niya sa pelikula. “’Yun naman talaga ‘yung konsepto in the first place e,” pakli ni Bossing Vic.
“Kinausap ako ni direk Mike, sabi niya ‘iba ka rito, hindi ka si Vic Sotto na Enteng Kabisote. Ikaw si Lakan Makisig, na serious na ang topic is seryoso.
“Kumbaga, pinag-isipan kong mabuti. Pero sabi ko, kung tunay kang aktor na mahal ko ‘yung trabaho mo, kahit na anong challenge tatanggapin mo. And this is a very challenging role, para sa akin. Kasi, this is out of my comfort zone, out of the box. At hindi naman ako… no regrets, dahil pagkatapos kong panoorin ‘yung pelikula kagabi, e nakita ko kung gaano kagaling, kung gaano kaganda ‘yung mga artista, magaling ang aming direktor, lahat e. Music, production design. Sulit na sulit ‘yung hirap na inabot namin,” dagdag niyang pahayag.
Pero sabi ni direk Mike Tuviera, mas gusto niyang ganun ang naramdaman ng mga nakapanood kay Bossing Vic.
“Siyempre all the credit goes to him (Vic Sotto), kasi grabe ‘yung trabaho, ‘yung preparation na ginawa ni Bossing for this film. Mabibigla po talaga kayo, in a good way. Kasi grabe naman ‘yung effort na nilabas ni Bossing sa role na ‘to,” sabi ni direk Mike Tuviera.
May gustong ihatid na mensahe ang pelikulang ito, pero nilinaw ni direk Mike na walang political na gustong iparating itong The Kingdom.
“Siyempre, we wanted to inspire patriotism. Pero we’re very adamant. Wala naman siyang… it’s not a political film. It’s more of…it’s a patriotic film. At saka talagang, it’s still all about family. ‘Yun ‘yung pinaka-priority namin sa storytelling,” sabi pa ni direk Mike Tuviera.
- Latest