^

Bansa

Palasyo ‘di kokontra kung gusto ni Duterte na sumuko sa ICC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi panghihima­sukan ng pamahalaan kung nais sumuko o magpasakop sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Panguong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi haharangin o tutulan ng gobyerno ang nais ni Duterte.

“If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire” ayon kay Bersamin.

Subalit ayon sa kalihim, kung ipasa ng ICC ang proseso sa International Criminal Police Organization o Interpol na maaaring maglabas ng isang red notice sa mga awtoridad ng Pilipinas, ay walang magagawa ang pamahalaan kundi igalang ito.

Sa sandaling mangyari aniya ito, ang mga law enforcement agencies ay walang magagawa kundi makipagkooperasyon sa Interpol dahil na rin sa protocol.

Ang reaksyon ni Bersamin ay ginawa matapos ang pahayag ni Duterte sa Quadcom hearing sa Kamara na nais niyang mag-imbestiga na agad ang ICC sa umano’y crimes against humanity laban sa kanya.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with