Lady traffic enforcer tinangkang sagasaan ng sinitang SUV na may plakang No. 7
Nag-dirty finger pa
MANILA, Philippines — Tinangka umanong sagasaan ng driver ng isang puting Sports Utility Vehicle (SUV) na may plate number 7 ang isang lady enforcer sa Guadalupe, Makati City nang sitahin sa pagpasok sa busway, nitong Linggo ng gabi.
Mababatid na ang naturang plate number ay isang protocol plate na nakatalaga sa mga senador.
Sinabi ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr- SAICT) na nangyari ang insidente dakong alas-6:58 ng gabi noong Linggo sa northbound lane ng Guadalupe Station.
Ayon sa ahensya, napansin ng isa sa kanilang lady enforcer na si Secretariat Sarah Barnachea ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ng Department of Transportation kaya nilapitan para sitahin sa paglabag subalit tinangka pa umano itong sagasaan.
Isang kasamahang traffic enforcer ni Barnachea ang umalalay subalit ang pasahero umano ay nag-’fuck you” sa kanila, saka paatras na pinatakbo ang sasakyan hanggang sa marating ang U-turn slot na dinaanan sa pagtakas.
Nanawagan si Senate President Francis ‘Chiz” Escudero sa Land Transportation Office (LTO) na agad na alamin ang may-ari o ang gumamit ng SUV na may protocol plate number 7 na para lamang sa mga senador.
Ayon kay Escudero, kung miyembro ng Senado ang may-ari ng sasakyan, dapat lumantad na at atasan ang nagmamaneho at mga sakay ng SUV na harapin ang consequences sa mga naging aksyon.
- Latest