^

PSN Palaro

Adamson humihinga pa

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Adamson humihinga pa
Kumawala si AJ Fransman ng Adamson sa depensa ng UE player.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Buhay pa ang Adamson University sa asam nilang makapasok sa magic four matapos silatin ang University of the East, 45-37  kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagsanib puwersa sa opensa sina AJ Fransman at Matt Erolon upang tulungan ang Soaring Falcons na tuldukan ang five-game losing streak at ilista ang unang panalo sa second round.

Tumikada si Fransman ng career-high 14 points kasama ang tatlong treys at siyam na rebounds para sa Adamson habang 14 din ang kinana ni Erolon kasama ang apat na assists.

Lumiyab ang opensa ni Fransman nang umiskor ng walo sa 10-0 run ng Soaring Falcons sa simula ng fourth quarter at naagaw nila ang bentahe, 43-32.

Nagkumahog ang Red Warriors sa kanilang opensa kung saan ay naisalpak ni Precious Momowei ang unang puntos ng Recto-based squad mula sa layup sa 4:03 mark sa payoff period.

“Of course, we’re thankful that we won. Akala ko ang ghost month October eh. Muntik na kami ma-zero for the month of October, so it’s good that we’re able to get the win towards the end of the month,” ani Soaring Falcons head coach Nash Racela.

Nasa pang-lima sa team standings ang Adamson U hawak ang 4-7 karta, isang laro lang ang lamang ng nasa No. 4 na University of Sto. Tomas (5-6).

Tumipa si Cedrick Manzano ng double-double performance na 12 points at 11 rebounds kasama ang dalawang steals para sa Soaring Falcons na sunod na makakaharap ang National University sa Nobyembre 10 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with