^

Police Metro

Bicol Region lubog kay ‘Kristine’

Joy Cantos, Jorge Hallare, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Bicol Region lubog kay �Kristine�
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya sa Situational Briefing kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa mga apektadong lugar.
Noel B. Pabalate

7 patay, 7 missing…

MANILA, Philippines — Nagmistulang “water world” matapos lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Bicol Region kabilang ang 300 barangay sa Camarines Sur habang marami namang residente ang na-trap sa kanilang mga tahanan dulot ng malalakas na pag-ulan na dala ng bagyong Kristine.

Sa pananalasa ng bagyong Kristine ay pito katao ang iniulat na nasawi, pito ang nawawala at lima naman ang nasugatan sa malalakas na pag-ulang nagdulot ng matinding flashflood partikular na sa Albay at Camarines Sur.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Edgar Posadas na ang Camarines Sur at Albay ang pinakagrabeng naapektuhan sa unang bugso ng paghagupit ng bagyo. Nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa Bicol Region.

Base sa report ni OCD Region V Director Claudio Yucot, sinabi ni Posadas na sa inisyal na report ay isa ang namatay sa Masbate matapos madaganan ng nabuwal na punongkahoy, pito ang nawawala sa Masbate at Cebu habang lima naman ang nasugatan sa Northern Samar at Camarines Sur.

Dalawa rin ang nasawi sa Quezon kabilang si Matheo John Tamo, isang taon at 8 buwang sanggol na lalaki sa bayan ng San Andres. Ang bata ay nahulog umano sa isang bukas na kanal at tinangay ng tubig baha nitong Martes ng tanghali habang ang isa pang nasawi ay si Yolanda Marvida , 56-anyos na nalunod naman sa bayan ng Tagkawayan kamakalawa ng gabi.

Sa report naman ni Bicol Regional Police Director P/Brig. Gen. Andre Dizon, tatlo ang nasawi sa rehiyon bagaman hindi tinukoy ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima, isa ang nawawala at anim naman ang nasugatan.

Batay sa ulat ng NDRRMC, nasa 77,910 pamilya o kabuuang 382,302 indibidwal ang naapektuhan ni Kristine kung saan nasa 379,784  katao o 77,335 pamilya ay mula sa Bicol Region. Sa nasabing bilang ay nasa 12, 334 indibidwal o 3,095 pamilya ang nawalan ng mga tahanan.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with