Mag-asawa tiklo sa P34 milyong shabu
MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na masabat ang nasa limang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon sa isang buy-bust operation sa Barangay Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro nitong Lunes.
Kinilala ni Jet G. Carino, PDEA-Mimaropa (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) chief, ang mga suspek na sina Luis D. Baes, 45, negosyante, at kanyang asawa na si Lyn, 41, kapwa residente ng Barangay Malitbog, Bongabong at nahaharap sa drug-related charges.
Sinabi ni Carino na ito ang pinakamalaking halaga ng shabu na narekober sa rehiyon. Naapektuhan ng operasyon ang shabu supply chain sa Mimaropa at mga karatig-rehiyon, dagdag ng opisyal.
- Latest