^

PSN Showbiz

Vice at Lassy, nag-ala Carlos at Chloe

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Vice at Lassy, nag-ala Carlos at Chloe
Lassy at Vice
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinaaliwan ang post ni Vice Ganda na ginaya ang photo post nina Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose habang nasa eroplano on their way to the Philippines. Bale si Vice si Chloe dahil blonde rin ang hair at ang comedian na si Lassy si Carlos. Kahit “CarlosYulo x Chloe chozzzzz!!!” lang ang caption ni Vice sa kanyang post kaya’t natawa at naaliw ang kanyang mga kaibigan.

Nakakatawa rin ang mga comment gaya ni Neil Arce na maniniwala lang daw na sina Carlos at Chloe ang nasa photo kung magki-kiss sina Vice at Lassy.

Ang ibang celebrities, napa-“OMG” may ibang nag-dare kay Vice na i-kiss si Lassy at may nakakatawang comment na mukhang stressed si Caloy (Lassy).

Pagod na raw si Caloy at kung anu-ano pang comment gaya ng dahil marami nang pera, nagparetoke agad si Caloy.

In fairness, walang fans nina Carlos at Chloe ang nag-react o na-offend sa post ni Vice na para lang katuwaan.

At least, maraming pinatawa sina Vice at Lassy kahit ilang minutes lang.

Kobe, lumayas sa social media

Ginulo ni Kobe Paras ang netizens nang i-deactivate nito ang kanyang Instagram account, may mga nag-panic pa nga dahil hindi na sila makakabalita ng update kina Kobe at Kyline Alcantara. Kung anu-ano ang naiisip ng netizens, lalo na ang shippers nila.

May naniniwalang may kinalaman sa pagde-deactivate ni Kobe ng kanyang IG si Kyline, baka raw break na ang dalawa.

Sinagot ito ng isa pang netizen na paano sila magbi-break kung wala namang inaamin na relasyon? Great friends nga lang ang isinagot ni Kobe nang tanungin sa status nila.

May nag-comment naman na baka nainis na si Kobe sa maraming nangingialam sa kanila at ‘yung iba, may mga unsolicited advice pa na ‘wag niyang paiiyakin si Kyline.

Wala naman yatang problema sa kanila dahil lilipad sila pa-China to shoot for an endorsement this August.

Sa interview kay Kyline sa 24 Oras, binanggit pa nito na dahil parehong first time nila ni Kobe sa China, mamamasyal sila at magpu-food trip.

Bonding daw nila ang food trip and hopefully, pagbalik nila ng bansa, hindi sila tumaba dahil poproblemahin naman nila kung paano pumayat.

Panganay ni Jennylyn, tanggap ng pamilya ni Dennis

Sixteen years old na ang panganay ni Jennylyn Mercado na si Jazz at sa Boracay sila nag-celebrate ng birthday nito. Pinost ni Jennylyn ang photo ng anak at sabi, “No matter how old you get, you’ll always be my little prince. Happy 16th birthday, my Jazzy boy! Love you to the moon and back.”

Nag-post naman si Dennis ng picture nila ni Jazz habang nasa Boracay. Simplehan lang ang greetings nito na “Happy birthday Kuya Jazz! We love you.”

Makikitang tanggap ng pamilya ni Dennis si Jazz dahil may birthday gree­tings sa kanya ang mom at sister ni Dennis. May pa “I love you” pa nga ang mom ni Dennis para kay Jazz.

Binati rin siya sa pagiging father figure ni Jazz na totoo naman. Pati nga ang anak niya na si Calix, tunay na kapatid ang turing kay Jazz at kapag magkakasama sila, they are a picture of a happy family. Saka, spoiled kina Calix at Jazz ang little sister nilang si Dylan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with