^

PSN Palaro

Sariling Gymnastics Academy plano ni Yulo

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Sariling Gymnastics Academy plano ni Yulo
Olympic gold medalist Carlos Yulo’s winning performance at the #ParisOlympics2024 Men's Artistic Gymnastics- Floor Exercise Finals on Saturday August 4, 2024 (PH time).
AFP

MANILA, Philippines — Hindi lang sa aspeto ng pag-uwi ng gintong medalya sa Olympics ang posibilidad na sundan ni gymnast Carlos Yulo ang yapak ni weightlifter Hidilyn Diaz.

Bagama’t hindi pa sa ngayon, inamin ni Yulo na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niya ring magtayo ng sariling akademya para turuan ang mga susunod na gymnasts ng Pilipinas.

Matatandaan sa ka­sag­sagan ng Olympics ay pormal nang pinasinayaan ni Diaz ang makasaysayang Hidilyn Diaz Weightlifting Academy sa Jalajala, Rizal at ito ang nais na sundan ni Yulo.

Si Diaz ang kauna-una­hang Olympic gold me­dalist ng bansa noong 2020 Tokyo Olympics sa weightlifting matapos ang 97 taon.

Sa Paris, humakot ng dalawang ginto si Yulo sa floor exercise at vault ng men’s artistic gymnastics para sa pinakamagandang performance ng Pinas sahog pa ang tig-isang bronze nina boxers Aira Villegas at Nesthy Petecio sakto sa 100 taong paglahok ng bansa sa Summer Games.

“After po ng career ko, gusto ko rin pong pumasok sa coaching and help other kids. Hindi ko pa siya iniisip sa ngayon pero in the future, ‘yun po ang gusto kong gawin,” ani Yulo sa media availability sa TV5, Cignal, MediaQuest at Philippine Star pati sa kanyang gues­ting sa Eat Bulaga kahapon.

Bukod sa akademya, nanawagan din si Yulo na ikunsidera ang pagkakaroon ng ibang sports tulad ng gymnastics sa mga paaralan para mahubog nang maaga ang mga kabataan.

“Bukod sa financial, marami pa pong aspects para matulungan yung mga atleta. Sa Philippines po, sana i-introduce ang more sports sa schools po talaga then later on kung gusto talaga nilang ituloy, nandiyan naman po yung PSC at POC para mag-accommodate ng mga athletes,” dagdag niya.

Sa paraang ito, malaki ang magiging posibilidad na magkaroon ng mas maraming kinatawan ang Pinas sa iba’t ibang sports sa Olympics na lalong magpapalakas sa kanilang tsansa.

Subalit tsaka na ito iisipin ni Yulo na sa edad 24 anyos ay itutuon muna ang atensyon sa karera at pagwawagi ng mas marami pang medalya lalo na sa 2028 Los Angeles Olympics.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with