Dagupan City posible makaranas ng 'mapanganib' na 46°C heat index
MANILA, Philippines — Aabot sa 24 lugar sa Pilipinas ang posibleng makatikim ng "dangerous" heat index ngayong araw ng Martes bagay na pinangungunahan ng Dagupan City, Pangasinan sa 46°C, ayon sa PAGASA.
Sa highest heat index forecast na inilabas ng PAGASA, sinabing dalawang dosenang lugar ang may mas mataas na tiyansang makaranas ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke:
- NAIA Pasay City, Metro Manila: 42°C
- Laoag City, Ilocos Norte: 42°C
- Dagupan City, Pangasinan: 46°C
- Aparri, Cagayan: 43°C
- Tuguegarao City, Cagayan: 42°C
- ISU Echage, Isabela: 42°C
- Clark, Airport (DMIA), Pampanga: 42°C
- CLSU Munoz, Nueva Ecija: 42°C
- Baler (Radar), Aurora: 42°C
- Casiguran, Aurora: 42°C
- Sangley Port, Cavite: 42°C
- Aambulong, Tanauan Batangas: 42°C
- Coron, Palawan: 42°C
- San Jose, Occidental Mindoro: 42°C
- Puerto Prinsesa City, Palawan: 42°C
- Aborlan, Palawan: 43°C
- Virac (Synop), Catanduanes: 42°C
- Masbate City, Masbate: 42°C
- CBSUA-Pili, Camarines Sur: 42°C
- Roxas City, Capiz: 43°C
- Iloilo City, Iloilo: 43°C
- Dumangas, Iloilo: 42°C
- Catarman, Northern Samar: 42°C
- Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 43°C
Kamakailan lang nang iutos ng Department of Education ang "distance learning" para sa mga estudyente ngayong araw para makahabol sa mga takdang aralin, projects bago magtapos ang school year matapos ang kaliwa't kanang suspensyon ng klase dahil sa init.
Mataas ang posibilidad na magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa "danger" heat index classification, na siyang naglalaro sa pagitan ng 42°C hanggang 51°C.
Posibleng mauwi naman sa heat stroke ang mga matagal maglalagi sa ilalim ng araw para sa mga nasa nasabing erya.
Una nang ipinaliwanag ng PAGASA na magkaiba ang karaniwang air temperature na sinusukat ng thermometer kumpara sa heat index.
Ang init na nararamdaman ng tao ay mas akmang sukatin gamit ang heat index dahil sa isinasaalang-alang na rito pati ang alinsangan o halumigmig (relative humidity).
Matatandaang naglabas ang Department of Health ng listahan ng sintomas na dapat abangan sa mga pasyenteng tamaan ng heat stroke at heat cramps, pati na ang first aid para rito.
- Latest