^

PSN Palaro

JRU sosolohin ang No. 2 spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
JRU sosolohin ang No. 2 spot
Lalabanan ng Heavy Bombers ang San Sebastian Stags ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Blazers sa University of Perpetual Help System DALTA Altas sa alas-4.

MANILA, Philippines — Tatangkain ng Jose Rizal University na masolo ang second spot habang target ng College of St. Benilde ang ikalawang sunod na ratsada sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament sa Filoil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Heavy Bombers ang San Sebastian Stags ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Blazers sa University of Perpetual Help System DALTA Altas sa alas-4.

Bitbit ng Lyceum ang 6-0 record para patuloy na solohin ang liderato kasunod ang Jose Rizal (4-1), Mapua (4-1), San Beda (3-2), Emilio Aguinaldo College (2-2), St. Benilde (2-3), Perpetual (1-3), San Sebastian (1-3), Arellano (1-4) at ‘three-peat’ champions Letran (0-5).

Nagmula ang Heavy Bombers sa 71-65 pagtusok sa Altas tampok ang 17 points ni rookie Shawn Argente.

“We haven’t achieved anything yet,” wika ni coach Louie Gonzales sa pagharap ng kanyang Jose Rizal sa San Sebastian na nakalasap ng 72-87 pagkatalo sa St. Benilde.

Sa ikalawang laro, ha­ngad ng Blazers na masundan ang kanilang 87-72 pagdurog sa Stags sa kanilang pagharap sa Altas.

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with