^

Police Metro

26 preso namatay sa siksikang selda

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tinatayang nasa 26 preso ang namatay sa iba’t ibang sakit dahil sa masisikip na kulungan sa iba’t ibang detention cell sa mga police station sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Alba­yalde na nagsagawa sila ng mga inspection sa ibat ibang detention facility sa Metro Manila at dito ay kanilang nakita ang pagsisiksikan ng mga preso na ang kaso ay dahil sa droga.

Base sa record, nasa 18  preso na umano ang namatay sa area ng Ta­guig at sa mga MPD detention cell ay 6 preso ang namatay sa nakalipas na anim na buwan.

Kabilang aniya sa  dahilan ng kamatayan ng mga ito ay dahil sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng tuberculosis, cardiac arrest, blood infection at heart attack at poor hygiene ng kulungan.

Nabatid, na 15 preso  ngayon sa MPD Integrated District Jail ang nangangailangan ng atensyong medikal kabilang ang isang 3 buwang buntis.

Nalaman din, na overcrowded ang naturang kulungan, na  ang  kapasidad lamang nito ay  nasa 100 na preso, subalit  nasa 168 na ang nakakulong dito.

Ang isa sa nakikita nilang solusyon ay mai­lipat sa poder ng Bureau of Jail Management and Penology na hindi naman agad magagawa dahil kailangan pa ang court order.

OSCAR ALBA­YALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with