Luis nagpapaka-praktikal, nagta-taxi na lang ‘pag coding
Taxi-taxi rin ‘pag coding at pinagagawa ang kotse ang naging drama ni Luis Manzano kahapon. Siyempre pa, sa negosyo niyang taxi na LBR siya nakasakay, huh! Tangkilikin ang sariling atin kumbaga ang ginawa ni Luis.
Katabi pa ni Luis ang driver ng sinakyang taxi na pinost sa kanyang Instagram account. Humanga ang followers niya sa pagiging down to earth niya.
Praktikal na rin kasi ang umiiral sa ilang celebs ngayon dahil na rin sa traffic at sa buong araw na coding. Just recently, sina Anne Curtis at Jhong Hilario ang sumakay sa MRT upang makaabot sa commitment.
Eh si Luis, alam niyang secured siya sa taksing sinakyan so tanggal ang stress, huh! Hindi siya nagkukuripot, dahil mahal ang gas, huh!
Christian sasabak na sa mas mahirap na role
Napakagaling na artista! Passionate actor and talented. ‘Yan ang malaking dahilan ni Roselle Monteverde kaya pinapirma nila ni Mother Lily ng exclusive contract para sa apat na movies si Christian Bables. Going places na nga siya after maging talk of the town sa Regal filmfest entry na Die Beautiful.
Unang lumabas si Christian sa Regal movie na I Love You To Death last year. “He started with us at meron siyang potential. He will be a megastar!” bulalas ni Mother Lily.
“Ang importante sa isang artista, hindi sila conscious sa character. Kumbaga, whatever the director tell them to portray, wala siyang arte. So ‘yun ang maganda sa kanya. He’s very natural at pinag-aaralan mabuti ang character. Dumating lang siya sa I Love You To Death for audition. Kinast lang siya and then sa Die Beautiful, It’s destiny,” dagdag pa ni Roselle.
Since 2011 ay nag-aaral na ng akting si Christian. Aral lang siya nang aral pero walang dumarating na break.
“Hanggang sa dumating sina Mother Lily, ang Regal at IdeaFirst nina Direk Jun Lana at Perci Intalan. Sila po ‘yung unang-unang nagtiwala sa akin,” sey naman ni Christian.
Dumating na siya sa puntong gusto na niyang bumitaw sa pangarap maging artista. “Kasi wala po talagang gustong magtiwala sa akin before.
“Pag nag-a-audition ako, laging sinasabi na, ‘Wala ka namang pangalan. Paano ka naming ika-cast? Hindi ka naman sikat!’ Hayun po. Pero hindi naman ako na-discourage hanggang dumating itong break sa akin,” chika ng aktor.
More challenging roles ang nakalaan ngayon sa pelikulang gagawin ni Christian sa Regal. Una na nga rito ang movie na si Chito Roño ang director at sa Samar isu-shoot. Tungkol daw ito sa isang island boy na nangarap tulungan ang pamilya.
Maine nakatanggap ng ‘love’ sa bokalista ng Coldplay
Nabanggit si Maine Mendoza sa Facebook page at Twitter account ng Coldplay Phils dahil sa natanggap niyang love button mula sa lead vocalist ng favorite foreign band niyang Coldplay.
Advocate kasi ang love ng Coldplay. Suportado nito ang love-buttons.co.uk. and one of their long time fans from the Philippines na si Maine Mendoza na nakatanggap nito at message mula kay Chris Martin.
Sa April nakatakdang mag-concert sa bansa ang paboritong banda ni Maine kaya maaga pa lang daw eh, pipila na siya!
“Sa bahay siya matutulog! Ha! Ha! Ha!” biro ni Maine sa Eat Bulaga nang kantiyawan sa regalong natanggap mula kay Martin.
- Latest