^

Pang Movies

MMFF at MIFF, nagkakagulo!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Alam mo, Salve A., sana mali ang a­ming sapantaha na may problemang namamagitan ngayon between the Metro Manila Film Festival (sa Pilipinas) at Manila International Film Festival (sa Los Angeles, California, USA) dahil sa hindi pagkakaunawaan ng magkabilang party.

Isa kaya itong rason kung bakit hindi nakita ang logo ng MMDA/MMFF sa lahat ng backdrop ng MIFF?

Nagkaroon pa umano ng overlapping ang schedule ng screening ng mga pelikulang palabas sa iconic TCL Chinese Theatre na nagkaroon lamang umano ng tig-iisang screening kaya maraming mga kakabayan natin ang na-disappoint. Ito rin umano ang rason kung bakit halos walang tao sa screening ng ibang pelikula.

Dahil kakaunti ang mga taong dumalo, ibinagsak umano sa $12.50 ang screening tickets habang ang pelikulang Green Bones ng GMA Pictures and GMA Public Affairs was shown for free.

The festival was also shortened to just four days (March 4-7) at kasama na rito ang gala night nung March 7 as the culmination of the yearly event na nagsimula nung isang taon.

Originally, ang MIFF ay nakatakda sanang ganapin nung Jan. 28 – Feb. 2, 2025 pero ito’y naurong to March 4 – 7, 2025 dahil sa wildfire incident in different areas in Los Angeles, California.

Ayon sa aming source, ang MMFF (MMDA) umano ang sumagot ng airfare ng stars or representatives ng participating movies habang ang MIFF naman sa accommodation.

Gusto rin umano ng MMFF na huwag nang mamigay ng mamigay ng awards para hindi umano ma-duplicate at maiba ang awards na naibigay na ng MMFF at sa halip ay nag-create ang MIFF ng awards mula sa Audience’s Choice na siyang namili for Best Picture, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor at Best Director.  

Idinagdag pa ng aming source na wala umano silang kuwestiyon sa pelikulang Song of Fireflies kundi ang tanong nila ay kung bakit ito napasama sa mga pelikula ng MIFF at napasama pa among the nominees and winners. 

Inaasahan kasi nila na ang maglalaban-laban ay ang official entries ng MMFF na ang pakiramdam ng ibang entries ay naitsapuwera sila.

Ang pamimigay ng Audience’s Choice Awards ay lalo lamang daw nagpalito sa marami.

Nakadagdag pa umano sa tension sa pagitan ng dalawang organisasyon nang magbigay ng libreng concert ang MMDA/MMFF nung March 8, just one day after ng pagtatapos ng MIFF gala night last Friday. Pinamagatang Konsyerto Para Sa Filipino sa Amerika, ito’y ginanap sa Cerritos Center in Cerritos, California kung saan dingsa ito ng ating mga kababayan sa Amerika maging ng maraming stars and celebrities na nagmula pa sa Pilipinas na pinangunahan mismo ni First Lady Atty. Liza Marcos at ni MMDA/MMFF Chairman na si Atty. Don Artes at iba’t ibang officials ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Sina Joey Albert, Jaya, Jed Madela at John Arcilla ang nanguna sa performers.

Kung pagbabasehan ang post ng PR and spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer (na isa ring talent manager and entertainment writer) sa kanyang FB account, ay mapapansin na meron itong gustong patamaan. 

Siyempre, marami ang naglungkot dahil maganda ang simula at adhikain ng partnership ng MMFF at MIFF na mukhang mauuwi pa sa saulian ng kandila.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with