2 tatay, pinatay ng sariling anak
MANILA, Philippines — Dalawang insidente ng pagpatay ng dalawang anak sa kanilang ama na naganap sa magkahiwalay na lugar sa Ilocos Norte at Davao City,ayon sa pulisya.
Sa Sitio 6, Barangay Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte, ay hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 79-anyos na ama matapos na pagsasaksakin ng kanyang sariling 44-anyos na anak na si Joel nang magkaroon ng alitan sa kanyang anak bandang alas-8:00 ng gabi noong Martes.
Si Joel ay sumuko sa himpilan ng pulisya matapos ang insidente at kasalukuyang nahaharap sa kasong parricide.
Samantala,ang ikalawang insidente ay naganap nitong Martes nang pagtatagain ng 26-anyos lalaki ang sariling ama na 60-anyos sa Davao City,nang mauwi sa pagtatalo ang kanilang inuman.
Sinabing batay sa imbestigasyon ng otoridad, galing sa birthday celebration ang mag-ama at itinuloy ang kanilang inuman sa kanilang bahay.
Pero sa gitna ng inuman, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa kumuha ng itak ang anak at pinagtataga ang kaniyang ama.
Isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na umabot nang buhay dahil sa mga sugat na tinamo sa iba’t ibang parte ng katawan.Sumuko naman ang suspek sa mga otoridad na mahaharap sa kasong parricide.
- Latest