^

Metro

EDSA busway, paghuhusayin pa ng DOTr sa halip na tanggalin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
EDSA busway, paghuhusayin pa ng DOTr sa halip na tanggalin
EDSA carousel buses get stuck in a traffic jam during rush hour on August 10, 2023.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Taliwas sa panukala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin na ang EDSA busway, nais naman ng Department of Transportation (DOTr) na pag­husayin at ayusin pa ito katulong ang pribadong sektor at financial expertise.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, hinihintay lamang nila ang resulta ng feasibility study upang matukoy kung paano pa paghuhusayin ang EDSA busway. Layon aniya ng feasibility study na mapaganda pa ang karanasan ng mga commuters nang hindi lumalala ang kasalukuyang kondisyon ng trapiko.

Naniniwala rin si Bautista na ang EDSA busway ay nananatiling isa sa pinaka-episyenteng public road transport system sa Metro Manila kung saan batay sa kanilang  datos noong 2024, mahigit sa 63 mil­yong commuters ang nag-enjoy sa episyenteng travel experience sa EDSA Busway.

Noong Enero 2025 lamang naman aniya, mahigit sa 5.5 milyong pasahero, na may average na 177,000 daily commuters, ang nakarating sa kanilang destinasyon ng mabilis, kumbinyente, at ligtas dahil sa busway.

Ayon pa sa DOTr, ang EDSA busway ay nakikitang krusyal na hakbang tungo sa prog­resibong public transportation system na may 23 istasyon, na nag-o-operate ng 24/7, at nakapagbibigay sa mga commuters ng isang ligtas at maaasahang opsiyon ng transportas­yon. 

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with