^

Punto Mo

Deduction dahil ­maagang umalis, makatarungan ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede bang kaltasan ang sahod namin dahil lang nag-out kami ng mas maaga ng ilang minuto lang? Ang overtime ko po sana na isang oras kada araw ay kinaltas. Puwede po ba ‘yun?— Kaye

Dear Kaye,

Ayon sa Labor Code, maari lamang bawasan ng employer ang sinasahod ng empleyado kung ito ay para sa (1) pagbabayad ng premium para sa insurance ng empleyado, na kinuha ng may pahintulot niya; (2) union dues; o (3) kung ito ay pinahihintulutan ng batas o ng mga regulasyong inisyu ng Secretary of Labor and Employment.

Maari namang bawasan ang sahod ng empleyado kung siya ay late o maagang umaalis sa trabaho base sa “no work, no pay” policy sa ilalim ng ating batas pero proportional dapat o nakaayon sa kung gaano katagal na-late o umalis nang maaga ang empleyado ang halagang ibabawas mula sa kanyang sahod.

Base sa inilahad mo ay wala akong nakikitang sapat na basehan para kaltasan ang iyong sahod ng katumbas ng isang oras na overtime kung ilang minuto lang naman ang iyong ­pag-time out ng maaga.

Bagama’t may karapatan ang employer na aksyunan ang  pag-undertime sa trabaho ng kanyang empleyado, hindi dapat arbitrary o base lamang sa kapritso ng employer ang pag-determina ng halagang kakaltasin mula sa suweldo ng empleyado.

Mahalagang kausapin n’yo muna ang inyong kompanya kung magpapatuloy pa rin ang ganyang polisiya ng salary deduction dahil masasabing paglabag iyan sa Labor Code at sa karapatan ng mga empleyado na maaring pagbasehan ng kaso laban sa inyong employer.

EMPLOYEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with