^

PSN Showbiz

Golden girl, bibida sa my puhunan!

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Golden girl, bibida sa my puhunan!
Meriam Dangcalan-Bayacag at Migs Bustos

Ibibida ni Migs Bustos ang tagumpay ng gold jewelry business ng “golden girl” ng Camarin, Caloocan at may-ari ng Marigold Philippines na si Meriam Dangcalan-Bayacag ngayong Linggo (Nov. 10) sa My Puhunan: Kaya Mo!

Tumatabo na sa 1,000 orders ng gold jewelries kada araw ang negosyo ni Meriam na nagsimula sa tirang pera ng kanyang P50,000 teacher’s salary loan at matagumpay itong napalago sa pamamagitan ng online selling.

Nagbahagi rin si Mike Aguilar ng kanyang kwento sa pagtataguyod ng kanyang Paws & Fur business noong pandemya na ngayon ay puntahan na ng mga celebrity fur parents at mula sa isa, mayroon na itong pitong (7) branches sa Metro Manila.

Samantala, isa ka ba sa mga lubog sa utang sa credit card? Tara na samahan si Karen Davila at alamin kung paano ba kayo makakabangon mula sa pagkakabaon. At kasama ang mga eksperto, magbibigay sila ng ilang tips sa tamang paggagamit ng inyong credit card para mapakinabangan ito sa wastong paraan.

James, Maki, Darren, Adie, at Fyang, may unli kantahan

Unli ang sayawan at kantahan kasama ang trending new gen performers na sina James Reid, Maki, Darren Espanto, Adie, at Fyang Smith sa ASAP ngayong Linggo (Nobyembre 10) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Panoorin ang mga kamangha-manghang solo singing acts mula kina James, Darren, at Adie, at ang Philpop x Himig Handog performance mula kay Maki, kasama sina Jolianne at Noah Alejandre. Tunghayan rin ang nagbabagang dance number mula sa PBB Gen 11 big winner na si Fyang at housemate na si JM Ibarra, kasama sina Gela Atayde, Jameson Blake, at Ken San Jose.

Abangan ang phenomenal opening performance nina Bamboo at Yeng Constantino, kasama ang OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Angeline Quinto. May isang nakakakilig performance rin ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual. 

Pasabog naman ang free concert experience tampok ang timeless peformance nina Regine at Jose Mari Chan, bagong rendition mula kina Gary, Darren, Khimo, Reiven Umali, at JM Yosures, taos-pusong duet mula kina JM dela Cerna at Marielle Montellano, at kantahan ng trending songs may mga icon ng OPM. 

Born..., 17 taon na!

Sa loob ng 17 taon, marami nang nasaksihang pagbabago sa kalikasan ang environment at wildlife show na Born to Be Wild – ang iba ay nagdadala ng pag-asa subalit may iba ring nakababahala.

Ang mga host at wildlife warriors na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ay patuloy rin sa paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas upang ipakita ang malawak na wildlife ng bansa at upang patuloy na magbigay impormasyon sa tamang pangangalaga sa kalikasan.

Habang nadadagdagan ang mga taong tumutulong para protektahan ang kalikasan, mayroon pa ring mga lugar na patuloy pa rin ang pagkasira ng mga kagubatan. Ang mga hayop sa karagatan ay unti-unti pa ring nauubos. Ilan sa mga dahilan ay polusyon, poaching, at illegal fishing.

Ayon sa United States Agency for International Development (USAID), nahaharap ang Pilipinas sa biodiversity crisis, at tanging tayo ang may kapangyarihan para baguhin ito.

Sa isang espesyal na episode ngayong Linggo, ipahihiram ni Kara David ang kanyang boses bilang si Inang Kalikasan, habang sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ang magsisilbing boses ng mga mahalagang bahagi ng ating tirahan: ang Kagubatan at Karagatan.

Panoorin ang Born to be Wild’s 17th Anniversary Special ngayong Linggo (Nov. 10), 9 a.m. sa GMA Network.

MIGS BUSTOS

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with