^

Bansa

‘Leon’ , may tsansang maging Super Typhoon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Leon’ , may tsansang maging Super Typhoon
Ayon sa PAGASA, si Leon ay lalakas habang ito ay daraan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa susunod na 24 oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Malaki ang tsansa na maging isang Super Typhoon ang bagyong Leon sa panahon na ito ay papalapit sa Batanes.

Ito ay batay sa weather outlook ng PAGASA kaugnay ng galaw ng naturang bagyo.

Ayon sa PAGASA, si Leon ay lalakas habang ito ay daraan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa susunod na 24 oras.

Kahapon, alas-11 ng umaga, ang bagyong Leon ay isa nang ganap na Severe Tropical Storm at namataan ng PAGASA ang sentro nito sa layong 780 kilometro silangan ng Echague, Isabela taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa eastern portion ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, northeastern portion ng Catanduanes, eastern portion ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, at northeastern portion ng Catanduanes.

Si Leon ay inaasahang kikilos pakanluran hilagang kanluran ngayong Martes ng umaga at saka iikot pa hilagang kanluran hanggang sa mag-landfall sa eastern coast ng Taiwan sa huwebes, October 31.

Oras na marating ng bagyong Leon ang hilagang silangan papuntang East China Sea ay inaasahang ito ay lalabas na ng PAR Biyernes ng umaga o hapon sa November 1.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with