^

Metro

P6.8 milyong shabu nasabat sa loob ng motel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P6.8 milyong shabu nasabat sa loob ng motel
Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBrig. Gen. Eleazar Matta, dakong ala-1:21 ng tanghali nang madakip si Ross Mark Babon, 30, sa Madonna Lodge Brgy. 136 Bagong Barrio Caloocan City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6.8 ­milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang motel sa Caloocan City kahapon ng tanghali.

Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBrig. Gen. Eleazar Matta, dakong ala-1:21 ng tanghali nang madakip si Ross Mark Babon, 30, sa Madonna Lodge Brgy. 136 Bagong Barrio Caloocan City.

Ayon kay Matta, iti­nuturing na High-Value Individual ang suspek mula Cruz St. Tangos, Navotas City.

Nakuha mula sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic bag na naglalaman ng white crystalline substances o suspected shabu na tumitimbang ng  1 kilo at may halagang P6,800,000.00 at iba pang ebidensiya.

Binigyan diin ni Matta na ang nasabing anti drug operations ay bunsod ng mas pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs.

Pinuri rin ni Matta ang kanyang mga tauhan sa patuloy na surveillance at monitoring laban sa mga HVI  na may koneksiyon sa illegal drugs.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with