^

Pang Movies

Drama actor, iba-iba ang afam gabi-gabi

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaduda-duda noon pa ang claim ng drama actor na berdaderong lalaki siya. Kahit na marami raw siyang niligawan at naging girlfriends, may kakaibang amoy pa rin daw siya na hindi nakakawala sa mga accla.

Noon pa raw umaalingasaw sa social media ang smell ni drama actor. Hindi rin naman kasi ito masyadong discreet sa kinikilos niya, lalo na sa gym kunsaan kilala siya na namimick-up ng mga afam or foreigners.

Kuwento ng source: “Mahilig na pumunta sa gym yan tuwing gabi at paborito niyang gawin ay ang magpa-steam sa sauna. At kapag lumabas ‘yan, may afam na itong bitbit at sabay na silang lalabas ng gym. As in, may take home ang ateng mo!”

Pero ang style raw ni drama actor ay kapag nasalubong niya ulit sa gym ang nai-take home niya na afam, dinededma na niya. On to the next afam na siya.

“Pang-one night stand lang niya ang mga afam na nate-take home niya. Walang commitment ang drama niya. Kaya magha-hunting ulit ng bagong afam. Wish ko lang na maingat siya para hindi siya makakuha ng anumang sakit,” sey ng source.

Katrina, aminadong pinagawa ang mukha

Hindi raw pinagkaila ng naki­lalang Suklay Diva na si Katrina Velarde na may pinabago siya sa mukha niya.

Wala naman daw masama sa pagpaparetoke ngayon. Kung noon ay nagiging issue ito, ngayon ay parang normal na lang ang pagpapa-surgical enhancement.

Sey ni Katrina: “May mga old photos po so wala rin pong sense mag-deny. At saka po ‘yung sa akin po kasi nu’ng una, sponsored kasi kaya kailangan.”

Mas nabigyan daw si Katrina ng confidence na humarap sa maraming tao. Una raw kasing tinitingnan ng mga tao ay ang pisikal na kaanyuhan niya.

“Ang na-realize ko po ngayon lalo na sa music industry, ang tao mas nanonood na sila, hindi na sila nakikinig. Mas gusto na nila ‘yung mas maayos or magandang-maganda ka bago ka nila pakinggan,” sey pa ni Katrina.

Ngayon daw ay wala nang plano si Katrina na magparetoke pa. Kuntento na siya ano ang hitsura niya ngayon.

Beterana ng singing contests sa TV si Katrina, simula pa noon sa Little Big Star kunsaan nakasabay niya sina Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) at Sam Concepcion; Talentadong Pinoy at The X Factor Philippines.

vuukle comment

DRAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with