^

PSN Palaro

UAAP, NCAA bakbakan sa Setyembre 7

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UAAP, NCAA bakbakan sa Setyembre 7
NU's Joshua Retamar, Kent Pastrana of UST, NU queen spiker Bella Belen, La Salle star Kevin Quiambao, Benilde's Cloanne Mondoñedo and Louie Ramirez of Perpetual.

MANILA, Philippines — Inaabangan na ang salpukan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Setyembre 7 sa hiwalay na venues.

Lalarga ang UAAP Season 87 sa Smart Araneta Coliseum kung saan masisilayan ang banggaan ng apat na koponan na mag-aagawang makuha ang opening game win.

Inaasahang ilalatag din ang makulay na opening ceremonies bago simulan ang dalawang laro sa men’s basketball tournament.

Sisimulan ng reigning champion De La Salle University ang pagdepensa sa korona na napanalunan nito noong nakaraang taon matapos igupo ang University of the Philippines sa best-of-three championship series.

Tatayong season host ang UP.

Sa kabilang banda, aarangkada naman ang ika-100 edisyon ng NCAA sa MOA Arena sa Pasay City.

Inaasahang magarbo ang pagdaraos ng ope­ning rites ng NCAA lalo pa’t magdaraos ito ng centennial year.

Wala pang eksaktong detalye ang pamunuan ng NCAA sa magiging programa nito.

Subalit usap-usapan na ang pagbibigay-pugay nito sa ‘100 Greatest Players’ na naging icon sa larangan ng sports na mula sa pinakamatandang liga sa bansa.

Magsisilbing season host naman ang Lyceum of the Philippines University. 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with