Camille, na-happy nang makita ang nanakit sa kanya nung bata
Happy si Camille Prats nung nagkita sila ni Jean Garcia sa pa-Thanksgiving party ng GMA kamakailan.
Ikinatuwa rin ng followers sa social media nila Camille at Jean ang muling pagkikita nila dahil since lumabas sila as Princess Sarah at Miss Minchin sa 1995 movie na Sarah… ang Munting Prinsesa ay never pa ulit sila nagkasama sa pelikula o teleserye.
Sa Instagram post ni Camille, nag-share siya ng ilang photos nila ni Jean at may caption.
Matagal na palang gustong makatrabaho ulit ni Camillle si Jean, pero hindi raw sila pinapalad na magkasama sa isang project ulit.
Nag-throwback ang ilang followers ni Camille at Jean sa mga eksenang pinapahirapan ni Miss Minchin si Sarah tulad nang paglampaso sa sahig, pagbalat ng patatas, at pinapatulog siya sa malamig na kuwarto sa taas ng bahay.
Sexy actor na nag-aral ng film making, nakapagdirek na!
Nagbabalik sa paggawa ng pelikula ang dating sexy actor ng Seiko Films na si Dante Balboa, pero this time ay siya na ang writer at director.
Nag-first shooting day na si Direk Dante para sa pelikulang Graduation Day na bida sina Jeric Gonzales at Ms. Elizabeth Oropesa.
“Napakasarap ng first shooting day. Walang pressure. Enjoy lang kaming lahat. At higit sa lahat, nandun ‘yung tiwala sa isa’t isa. At bilang first time ko sa pagdidirek, parang nag-flashback lahat sa akin ang mga pinag-aralan ko about filmmaking,” sey ni Dante na nakapagtapos ng kursong B.A. Film and Audio Visual Communications sa UP Diliman.
At sa pagtawag sa kanya ng cast and crew bilang “Direk Dante”: “Masaya akong tinatawag na ‘Direk’. Iba sa pakiramdam. Kaya naman pinagbubuti ko dahil ang cast natin, nasanay na sa mga naging direktor nila noon. Pinangarap ko rin na maging katulad nila Lino Brocka at Ishmael Bernal.”
- Latest