^

Punto Mo

Mayang (175)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Pagkatapos daw ipagtapat ni Cynthia ang mga nangyari at nilinaw na walang kasalanan si Manuel, napabuntunghininga raw nang malalim si Mam Araceli. Alam naman niya na hindi gagawin iyon ni Manuel. Kilala niya si Manuel. Pero dahil may nangyari na nga, nagpakalalaki si Manuel. Hindi tinakbuhan ang responsibilidad kay Cynthia.

“Naisip daw noon ni Mam Araceli na bakit hindi ipinaglaban ni Manuel ang kanilang relasyon. Maari niyang takasan si Cynthia at sabihing pinilit lang siya nito. Pero naisip din ni Mam Araceli na mas pinili ni Manuel na panagutan si Cynthia para makaiwas sa gulo o baka may masamang mangyari. Kung pinabayaan ni Manuel si ­Cynthia at si Mam Araceli pa rin ang pinakasalan, baka guluhin lang sila.

“Mas pinili ni Manuel na siya na lang ang magdusa kaysa masangkot pa si Mam sa nangyari.

“Umiyak daw si Cynthia, makaraang matapos ang pagtatapat. Humingi ito ng tawad kay Mam Araceli. Maraming taon na rin daw na hindi siya pinatatahimik ng konsensiya dahil sa nangyari inamin ni Cynthia na nang-agaw siya ng pag-aari ng iba.”

Sabi raw ni Cynthia kay Mam Araceli:

“Inagaw ko ang lalaking mahal mo. Nakagawa ako nang malaking kasalanan sa iyo, Araceli. At ang kasalanang iyon ay paulit-ulit na ­gumagambala sa akin—nakokonsensiya ako! Winasak ko ang magandang pag-iibigan ninyo ni Manuel. Napakalaki ng kasalanan ko sa iyo, Araceli. Sana, mapatawad mo ako.”

“Umiyak daw si Cynthia. Nayugyog ang balikat sa matinding pag-iyak. Hindi raw nagkukunwari si Cynthia. Totoo ang paghingi ng tawad kay Mam Araceli.

“Kalmado si Mam Araceli. Tanggap na niya ang nangyari. Isa pa, nalaman na niya ang totoong nangyari.

“Hinawakan daw ni Mam ang balikat ni Cynthia at saka sinabi rito na pinatatawad na sa nangyari. Kalimutan na raw nila ang nakalipas. Tuwang-tuwa raw si Cynthia at mahigpit na niyakap si Mam.”

(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with