^

Police Metro

VP Sara walang balak mag-resign

Mer Layson - Pang-masa

Kahit inimpeach ng Kamara...

MANILA, Philippines — Hindi umano kailanman sumagi sa isip ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa puwesto sa gitna ng impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.

“Wala pa tayo doon. masyado pang malayo ‘yung mga ganyan na mga bagay,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference.

Tiniyak din ni Duterte na “okay” siya matapos ihain ang impeachment complaint laban sa kanya.

Sa ngayon ay kinonsulta na niya ang kanyang mga abogado sa bagay na ito.

“Ang tanging masa­sabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines.” ang sinabi ni VP Sara.

“Bukod dito, nais ko na lang ipaabot ang aking taos pusong pasasalamat sa mga kababayan na patuloy nagdarasal, sumusuporta, nagtitiwala at patuloy na nagmamahal sa akin. Manalig kayo dahil sa taong bayan ang tagumpay,” ang sinabi pa rin ni VP Sara.

Sinabi pa ni VP Sara na nagsimula na siyang maghanda para sa impeachment proceedings simula pa noong November 2023, nang ilan­tad ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang planong sampahan siya ng reklamo.

Si Duterte ay in-impeach ng Mababang Kapulungan ng Kongreso araw ng Miyerkules para sa “violation of the cons­titution, betrayal of public trust, graft and corruption, and other high crimes”.

Kailangan na magpulong ng Senado para litisin si VP Sara. Kapag napatunayang nagkasala, aalisin siya mula sa puwesto at pagbabawalan na tumakbo sa anumang public office.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with