^

PSN Palaro

Tres ni Cunanan nagtakas sa Pirates

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tres ni Cunanan nagtakas sa Pirates
Ang ‘night, night’ ni Greg Cunanan ng Pirates matapos isalpak ang tres laban sa Red Lions.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Greg Cunanan ang isang game-winning three-point shot para tulungan ang Lyceum of the Philippines University sa 64-62 pag-eskapo sa nagdedepensang San Beda University sa se­cond round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sumosyo ang Pirates sa Letran Knights sa fourth spot sa magkatulad nilang 6-5 record sa ilalim ng Red Lions (7-4) na nagtapos ang four-game winning streak.

Ipinasok ng graduating guard ang kanyang triple sa huling 8.6 segundo ng fourth period para sa ikalawang sunod na ratsada ng Lyceum sa kabila ng ma­tinding depensa ni Menard Songcuya ng San Beda.

“The key is ‘yung wil­lingness to win the game,” ani Pirates’ coach Gilbert Malabanan. “You know naman binibigay talaga ng players ‘yung lahat, even the first group, the second group, and third group, they give their best.”

Nauna nang kumonekta ang 25-anyos na playmaker ng tres para sa kanilang 61-60 abante.

Ang jumper ni Penny Estacio ang muling nagbigay sa Red Lions ng 62-61 kalamangan.

Tumapos si Cunanan na may 11 points, 2 rebounds, 1 assist at 1 steal para sa Lyceum habang may 12 markers si Gyle Montaño.

Binanderahan ni Bismarck Lina ang San Beda sa kanyang 12 points.

Sa ikalawang laro, kumonekta si Cyrus Cuenco ng triple sa nalalabing 15.2 segundo para sa 82-79 pagtakas ng Mapua University (8-3) sa Emilio Aguinaldo College (5-6).

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with