Barko, 7 crew sangkot sa ‘paihi’ hinarang sa Manila Bay
MANILA, Philippines — Pinigil ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko na pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw ng diesel o tinatawag na “paihi” scheme, sa Manila Bay, kamakalawa ng gabi.
Ang MV Palawan na may pitong tripulante ay hinila ng BRP Boracay (FPB-2401) patungo sa Pier 13 , South Harbor, Port Area, Manila upang masusing imbestigahan kaugnay sa diumano’y smuggled diesel fuel dakong alas-10:30 ng gabi nitong Setyembre 26 .
Lumalabas na habang patungo ang BRP Boracay sa Bataan para mag-augment sa operasyon ng MTKR Jason Bradley, namataan ang MV Palawan sa iligal umanong operasyon habang may kargang puslit na diesel fuel.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang sangkot na barko, kasama ang pitong tripulante, ay patungo sa Navotas. Sinabi ng crew ng barko na kinuha nila ang kargamento ng gasolina mula sa isang tugboat.
- Latest