^

Probinsiya

Misis utas, mister kritikal sa saksak ng inarkilang driver

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Misis utas, mister kritikal sa saksak ng inarkilang driver
Kinilala ang nasawi na si Czarri Marie Cantuba, habang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito na si Marlon, 35, kapwa residente ng Sitio 1 Brgy. Gulap, Candaba, Pampanga.
File

P2 milyon tinangay…

MANILA, Philippines — Patay ang isang 34-anyos na misis habang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito makaraang pagsasaksakin sa leeg, ulo at katawan ng kinuha nilang driver at tinangay ang dalang P2 milyon, naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy.Sabang, Naic, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Czarri Marie Cantuba, habang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito na si Marlon, 35, kapwa residente ng Sitio 1 Brgy. Gulap, Candaba, Pampanga.

Tumakas naman ang suspek tangay ang sasakyan at perang P2 mil­yong piso ng mag-asawa na kinilala na si Jomar Tambo, 43, residente ng MH Del Pilar St., Malate Maynila.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:00 ng madaling araw bumiyahe ang mag-asawa pa Cavite mula Pampanga gamit ang kanilang sasakyan na minamaneho ng suspek na inupahan nila bilang driver.

May kausap umano ang mga ito na isang kompanya na kukuhanan ng mga frozen meat sa may Cavite Technopark kung saan ang suspek din ang nag-alok at nakipag negosasyon sa mag-asawa.

Habang bumabaybay sa Governors Drive ay bigla umanong huminto ang suspek at itinabi ang sasakyan.

Kinausap ng suspek si Marlon na kung pwede ay ito muna ang magmaneho dahil sa inaantok umano siya.

Hindi pa man nakakakilos si Marlon ay agad na itong inunda­yan ng suspek ng saksak sa ulo at tinutukan ng patalim si Czarri at sapilitang kinuha ang ang bag kung saan nakalagay ang P2 milyong piso.

Nang ibigay ng babae ang bag ay inundayan ito ng saksak sa leeg bago mabilis na tumakas gamit ang sasakyan ng mag-asawa.

Kahit na duguan ang lalaking biktima ay nakahingi ito ng tulong sa nagpapatrulyang barangay at itinakbo sa pagamutan ang mag-asawa,subalit hindi na umabot ng buhay ang babae.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with