^

Bansa

2 pang Mpox cases naitala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 pang Mpox cases naitala
This undated electron microscopic (EM) handout image provided by the Centers for Disease Control and Prevention depicts a monkeypox virion, obtained from a clinical sample associated with the 2003 prairie dog outbreak. It was a thin section image from a human skin sample. On the left were mature, oval-shaped virus particles, and on the right were the crescents, and spherical particles of immature virions.
Cynthia S. Goldsmith / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

MANILA, Philippines — Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) kahapon ng dalawang bagong kaso ng mpox (dating monkeypox).

Ang dalawang bagong kaso ng mpox, na parehong mas mild na MPXV Clade II, ay naitala sa National Capital Region (NCR) at sa Calabarzon.

“The total case count is now 14 since July 2022. Nine cases have long recovered since 2023. Five are active cases waiting for symptoms to resolve,” ayon sa DOH.

Ang mpox case 13 ay isang 26-anyos na babae mula sa NCR na nakitaan ng sintomas noong Agosto 20, 2024, gaya ng rashes sa mukha at likod, na may kasamang lagnat. Nagpakonsulta sa doktor ang pasyente at kaagad na nag-isolate sa bahay. Malaunan ay nakitaan siya ng mga karagdagang rashes sa kanyang pubic area, braso at katawan, gayundin ng pamamaga ng lalamunan at ng lymph nodes sa leeg.

Inaalam pa ng DOH ang mga eksaktong sirskumstansiya ng sample collection at tinutukoy pa rin ang mekanismo ng close, intimate, at skin-to-skin contact ng pasyente, na hindi naman umano bumiyahe, may tatlong linggo bago magsimulang lumabas ang kanyang mga sintomas. Hindi na rin umano nag-ikot pa ang pasyente nang magkasakit.

Natukoy na ang dalawang close contact ng pasyente. Hindi pa naman sila nakikitaan ng mga sintomas.

Samantala, ang mpox case 14 ay isang 12-anyos na lalaki mula sa Calabarzon na nilagnat noong Agosto 10. Nagkaroon siya ng rashes sa mukha, hita, katawan at pubic area, na kumalat sa ibang bahagi ng katawan, ubo at namaga ang lymph nodes sa groin area.

Nagpakonsulta ang pasyente sa isang rural health unit noong Agosto 23. Wala rin umano siyang anumang travel history, tatlong linggo bago nagsimula ang kanyang mga sintomas ng sakit.

Ang dalawang bagong pasyente ay kapwa nagpapagaling na sa kani-kanilang mga tahanan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with